Panalangin Ang Salita Ng Diyos Translated from English to Tagalog by Linabelle Finnegan from http://www.prayingscriptures.com
Umpisahan mo ang oras ng iyong panalangin na basahin ang Mga Panalanging May Pangako. Ito ang mga Salita Ng Diyos na may pangako na naririnig niya ang lahat ng iyong dasal at sinasagot niya.
Lalakas rin ang pananalig mo sa bawat pagbasa ng mga pangako ng Panginoon dito.
Mga Panalanging May Pangako
Jer 1:12........ Nang magkagayo'y sinabi ng Panginoon sa akin, Iyong nakitang mabuti: sapagka't aking iniingatan ang aking salita upang isagawa.
Jn 16:24....... Hanggang ngayo'y wala pa kayong hinihinging anoman sa pangalan ko: kayo'y magsihingi, at kayo'y tatanggap, upang malubos ang inyong kagalakan.
Mt 21:22.........At lahat ng mga bagay na inyong hihingin sa panalangin, na may pananampalataya, ay inyong tatanggapin.".
Jer 33:3......... Tumawag ka sa akin, at ako'y sasagot sa iyo, at ako'y magpapakita sa iyo ng mga dakilang bagay, at mahihirap na hindi mo nalalaman.
Jn 14:14........ ""Kung kayo'y magsisihingi ng anoman sa pangalan ko, ay yaon ang aking gagawin.
Jn 16:23........ ""Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Kung kayo'y hihingi ng anoman sa Ama, ay ibibigay niya sa inyo sa aking pangalan.
Jas 5:16........ " Malaki ang nagagawa ng maningas na panalangin ng taong matuwid."
Job 22:27...... " Ikaw ay dadalangin sa kaniya, at kaniyang didinggin ka: at iyong babayaran ang iyong mga panata.."
1Jn 5:14,15........ "At ito ang nasa ating pagkakatiwala sa kaniya, na kung tayo'y humingi ng anomang bagay na ayon sa kaniyang kalooban, ay dinidinig tayo niya: At kung ating nalalaman na tayo'y dinidinig niya sa anomang ating hingin, ay nalalaman natin na nasa atin ang mga kahilingang sa kaniya'y ating hiningi.Now this is the confidence that we have in Him, that if we ask anything according to His will, He hears us."
Jn 14:13........ "At ang anomang inyong hingin sa aking pangalan, ay yaon ang aking gagawin, upang ang Ama ay lumuwalhati sa Anak."
Isa 55:11....... "Magiging gayon ang aking salita na lumalabas sa bibig ko: hindi babalik sa akin na walang bunga, kundi gaganap ng kinalulugdan ko, at giginhawa sa bagay na aking pinagsuguan.."
Jn 15:7.......... "Kung kayo'y magsipanatili sa akin, at ang mga salita ko'y magsipanatili sa inyo, ay hingin ninyo ang anomang inyong ibigin, at gagawin sa inyo."
Mt 18:18........ "Sinasabi ko sa inyo ang totoo: Anuman ang inyong tatalian sa lupa ay tatalian sa langit. Anuman ang inyong kakalagan sa lupa ay kakalagan sa langit."
Mt 18:19........ "Muli kong sinasabi sa inyo: Kapag ang dalawa sa inyo ay magkaisa rito sa lupa sa paghingi ng anumang bagay, ipagkakaloob ito sa kanila ng aking Ama na nasa langit."
Jn 15:16........ "Ako'y hindi ninyo hinirang, nguni't kayo'y hinirang ko, at aking kayong inihalal, upang kayo'y magsiyaon at magsipagbunga, at upang manatili ang inyong bunga: upang ang anomang inyong hingin sa Ama sa aking pangalan, ay maibigay niya sa inyo."
Jer 29:12........ At kayo'y magsisitawag sa akin, at kayo'y magsisiyaon at magsisidalangin sa akin, at aking didinggin kayo.
Isa 65:24........ "At mangyayari, na bago sila magsitawag, sasagot ako; at samantalang sila'y nangagsasalita, aking didinggin."
Ps 91:15........ "Siya'y tatawag sa akin, at sasagutin ko siya; ako'y sasa kaniya sa kabagabagan: aking ililigtas siya, at pararangalan siya."
Ps 141:2......... "Malagay ang aking dalangin na parang kamangyan sa harap mo; ang pagtataas ng aking mga kamay na parang hain sa kinahapunan."
PANALANGIN PARA SA MGA RELASYON
Mt 21:21............Panginoong Ama, narito po ako sa harap mo na buos pusong nananalangin at nananampalataya
Rom 13:11........Sabi po ng iyong Salita na ngayon ang oras para lahat ay gumising mula sa kanilang pagtulog
Rom 13:11.........Dahail ang aming kaligtasan ay mas malapit ngayon kaysa nuong una kaming nanalig.
Col 1:13............Panginoon, iligtas mo po ang aming mahal sa buhay mula sa malakas na hawak ng kadiliman.
Rom 13:12........at tulutan mo po silang isakbat and sandata ng kaliwanagan.
Rom 13:13,14........Tulungan mo po silang magsilakad ng mahinhin, gaya ng sa araw; huwag sa katakawan at paglalasing, huwag sa kalibugan at sa kahalayan, huwag sa mga pagkakaalit at pagkakainggitan.
Kundi bagkus isakbat ang Panginoong Jesucristo, at huwag paglaanan ang laman, upang masunod ang mga kahalayan noon.
Ps 119:37.........at alisin mo ang kanilang mga mata sa pagtingin ng walang kabuluhan.
2Tim 2:26..........para sila matauhan sa kanilang sarili at makawala sa silo ng Diablo
Heb 10:22..........Tulungan mo silang malapit sa iyo Panginoong Ama na may tapat na puso sa lubos na pananampalataya, na ang ating mga puso na winisikan mula sa isang masamang budhi: at mahugasan ang ating katawan ng dalisay na tubig,and draw them near to You, Father, with a true heart.
Mt 5:6...............Bigyan mo po sila ng kagutuman at kauhawan sa Iyo at sa Iyong Katuwiran
Ps 119:37.........At buhayin mo po sila sa iyong mga daan.
Col 1:9,10,11............ Sila po ay puspusin ng kaalaman ng inyong kalooban, sa buong karunungan at pagkaunawa ayon sa Espiritu, Upang sila'y magsilakad ng nararapat sa Panginoon, sa buong ikalulugod niya, at magsipamunga sa bawa't gawang mabuti, at magsilago sa kaalaman ng Dios; Na sila'y palakasin ng buong kapangyarihan, ayon sa kalakasan ng kaniyang kaluwalhatian, sa buong pagtitiis at pagpapahinuhod na may galak;
Rom 8:30..........Ilagay mo po sila sa iyong tawag na iyong itinalaga para sa kanila.
1Chr 28:9.........Tulungan mo po silang silbihan ka ng pusong matapat at masunuring pagiisip.
Ps 32:8.............at turuan mo po sila sa daan na dapat nilang puntahan.
Jas 1:22...........Tulungan mo po silang maging tagatupad ng inyong salita, at huwag tagapakinig lamang,
Ps 119:97.........at ibigin ang iyong kautusan! at siyang gunita buong umaga't araw
Ps 112:6...........Tatagan mo po ang kanilang puso upang hindi maliglig
1Cor 10:13.......at ipakita mo po ang daan upang makalayo sa lahat ng tukso.
Rom 13:8.........Hayaan mo po silang hindi magkautang ng ano pa man sa kanino man, maliban na sa pagibigan.
1Jn 3:18........... huwag tayong magsiibig ng salita, ni ng dila man; kundi ng gawa at katotohanan.
Ps 110:3..........Gawin mo po silang boluntaryong magsilbi sa Iyo sa oras ng Iyong kapangyarihan.
Mt 6:33............Unang hinahanap ang iyong kahariaan sa lahat ng bagay upang matamo ang iyong biyaya..
Prov 3:9...........Ipinapanalangin ko na bigyan kanila ng karangalan sa paggamitng kanilang ari-arian.
Prov 3:9...........at sa unang bunga ng kanilang karagdaan.
Ps 111:1..........Purihin ka Panginoon ng kanilang buong puso sa pulong-pulong
Ps 111:1..........ng mga matuwid at sa mga kapisanan,
Mic 6:8............mapagkumbabang lumalakad sa iyo Panginoon, na desididong gumawa ng matarong,
Ps 112:4.......... mapagbiyaya at puspos ng kahabagan, at matuwid.
Panalangin Para sa mga Bata
Acts 19:20........Salamat Panginoong Ama sa iyong Salita na mananaig sa buhay ng aming mga anak.
Isa 54:13...........Na sila ay tinuturuan ng Panginoon at patuloy na nagiging
Prov 13:1..........bunga ng tuwid at maka-Diyos na pagtuturo at pagtatama.
Isa 54:13...........Malaki ang kanilang kapayapaan at tahimik na kalooban.
Prov 2:6............ Panginoong Ama, bigyan mo po kami ng payo at karunungan sa pagpapalaki sa aming mga anak.
1Pet 1:14.......... Sila po ay maging masunurin at hindi susunod sa mga bagay na makamundo.
1Pet 1:15.......... at maging banal sa lahat ng kanilang asal
1Pet 2:2........... Nag-aasam ng purong gatas na Salita ng Diyos para sila lumago sa kaligatasan.
Jas 1:19............Tulungan mo po silang maging maliksi sa pakikinig, magmakupad sa pananalita, magmakupad sa pagkagalit;
Heb 13:5.......... ang asal nila ay walang pagnanasa sa kaarian ng iba
Heb 13:5.......... at sila ay kontento sa lahat bagay na binigay mo.
Heb 13:16......... Hindi sila nakakalimot na gawin ang tama at mapagbigay.
2Pet 3:18.......... Aming panalangin na sila ay lumaki sa grasya at karunungan ng Panginoon
1Thes 4:1......... at mapaligiran nd abound more and more in how they should walk and please You.
1Pet 5:5-7.......... Tulungan mo po silang magsisuko sa matatanda at mabigkis ng kapakumbabaan sa kanilang lingkuran sapagka't ikaw, Panginoon, ay sumasalangsang sa mga palalo, datapuwa't nagbibigay ng biyaya sa mga mapagpakumbaba. Kaya't tulungan mo po silang mangagpakababa sa ilalim ng makapangyarihang kamay mo Panginoon upang sila'y iyong itaas sa kapanahunan; Tulungan mo silang ilagak sa iyo ang lahat ng ikanilang kabalisahan, sapagka't ikaw ay nagmamalasakit sa kanila.
Jas 1:22............Tulungan mo silang maging tagatupad ng iyong salita Panginoon at huwag tagapakinig lamang,
Ph'm 1:6...........mabisang nagbibigay ng testimonia sa kanyang pananampalataya
2Tim 1:7 ..........walanag espirito ng pagkatakot ngunit espiito ng lakas, pagaibig at tuwid na pagiisip.
2Tim 1:9...........Panginoong Ama, iniligtas mo sila at tinawa sa iyong banal na tawag,
2Tim 1:9 ..........hindi ayon sa gawa, ngunit ayon sa Iyong layunin.
2Tim 4:18.........Iligtas mo sila sa bawat gawaing masama at pangalagaan mo sila. John 10:5 ........Nawa'y hindi sila sumunod sa taga iba kung hindi sa tinig mo lamang Ama.
2Tim2:22 .........Maaring sumunod lamang sila sa iba na tumatawag rin sa iyo Panginoon galing sa puso ng walang bahid.
Jas 3:10 ..........At sa bibig din nila maaaring lumabas lamang ang pagpuri't hindi paglait.
1Jn 5:18 ..........Nalalaman natin na ang sinomang ipinanganak ng Dios ay hindi nagkakasala; datapuwa't ang ipinanganak ng Dios ay nagiingat sa kaniyang sarili, at hindi siya ginagalaw ng masama.
Ps 91:11..........Ibigay mo po sa kanila ang iyong mga anghel na magaruga, sumabaybay at pangalagaan sila.
Ps 4:8.............at magbigay ng proteksiyon sa kanila, araw at gabi.
1Jn 2:5 ...........Datapuwa't ang sinomang tumutupad ng kaniyang salita, tunay na sa kaniya ay naging sakdal ang pagibig ng Dios. Dahil dito'y nalalaman nating tayo'y nasa kaniya:
1Jn 2:15 .........Huwag ninyong ibigin ang sanglibutan, ni ang mga bagay na nasa sanglibutan. Kung ang sinoman ay umiibig sa sanglibutan, ay wala sa kaniya ang pagibig ng Ama.
3Jn 1:11..........and they do not imitate what is evil, but what is good.
1Jn 1:7 ...........Nguni't kung tayo'y nagsisilakad sa liwanag, na gaya niyang nasa liwanag, ay may pakikisama tayo sa isa't isa, at nililinis tayo ng dugo ni Jesus na kaniyang Anak sa lahat ng kasalanan.
Jas 4:8 ...........Magsilapit kayo sa Dios, at siya'y lalapit sa inyo. Mangaglinis kayo ng inyong mga kamay, kayong mga makasalanan; at dalisayin ninyo ang inyong mga puso, kayong mga may dalawang akala.
2Tim 2:22 .......Tulungan mo po silang sumunod sa Iyong katuwiran att mabuhay na may pananampalataya, kapayapaan at pagibig sa iyo.
Heb 13:18........Bigyan mo sila ng malinis na budhi at magnais na mabuhay na dakila.
Prov 3:4 ..........na may pabor at mataas na pagpapahalaga sa Panginoong Diyos at sa tao.
PANALANGIN PARA SA PAGGALING NG MAY MGA SAKIT AT KARAMDAMAN
Hos 4:6.............Ang aking bayan ay nasira dahil sa kakulangan ng kaalaman: sapagka't ikaw ay nagtakuwil ng kaalaman, akin namang itatakuwil ka, upang ikaw ay huwag maging saserdote ko: yamang iyong nilimot ang kautusan ng iyong Dios, akin namang kalilimutan ang iyong mga anak.
Gal 3:13............Sa sumpa ng kautusan ay tinubos tayo ni Cristo, na naging sumpa sa ganang atin; sapagka't nasusulat, Sinusumpa ang bawa't binibitay sa punong kahoy
1Pet 2:24..........Na siya (Jesus) rin ang nagdala ng ating mga kasalanan sa kaniyang katawan sa ibabaw ng kahoy, upang pagkamatay natin sa mga kasalanan, ay mangabuhay tayo sa katuwiran; na dahil sa kaniyang mga sugat ay nangagsigaling kayo.
Isa 53:5.............Nguni't siya'y nasugatan dahil sa ating mga pagsalangsang, siya'y nabugbog dahil sa ating mga kasamaan, ang parusa ng tungkol sa ating kapayapaan ay nasa kaniya; at sa pamamagitan ng kaniyang mga latay ay nagsigaling tayo.
Mt 8:17.............Siya (Jesucristo) rin ang kumuha ng ating mga sakit, at nagdala ng ating mga karamdaman.
Ps 107:20.........Sinugo niya ang kaniyang salita, at pinagaling sila, at iniligtas sila sa kanilang mga ikapapahamak
Prov 3:7............Huwag kang magpakapantas sa iyong sariling mga mata; matakot ka sa Panginoon, at humiwalay ka sa kasamaan:
Prov 3:8............Magiging kagalingan sa iyong laman, at lakas sa iyong mga buto.
Ex 15:26............Ako ang Panginoon na magpapagaling sa iyo.
Ps 103:3...........Na siyang nagpapatawad ng iyong lahat na mga kasamaan; na siyang nagpapagaling ng iyong lahat na mga sakit
Ex 23:25...........Pagsilbihan mo ang Panginoon na iyong Diyos, at kanyang babasbasan ang iyong tinapay at iyong tubig. At kanyang tatanggaling ang lahat ng karamdaman sa iyong paligid.
Prov 16:24......... Mga maligayang salita ay parang pulot-pukyutan, matamis sa kaluluwa at kagalingan sa mga buto.
Isa 58:8.............Kung magkagayo'y sisikat ang iyong liwanag na parang umaga, at ang iyong kagalingan ay biglang lilitaw; at ang iyong katuwiran ay mangunguna sa iyo; ang kaluwalhatian ng Panginoon ay magiging iyong bantay likod.
Ps 118:17.........Hindi ako mamamatay, kundi mabubuhay, at magpapahayag ng mga gawa ng Panginoon.
Ps 147:3...........Kaniyang pinagagaling ang mga may bagbag na puso, at tinatalian niya ang kanilang mga sugat.
Prov 17:22.........Ang masayang puso ay mabuting kagamutan: nguni't ang bagbag na diwa ay tumutuyo ng mga buto.
3John 2.............Mga mahal, aking panalangin na ikaw ay sumagana sa lahat ng bagay at gumaling at malayo sa lahat ng karamdaman , tulad ng iyong kaluluwa na sumagana rin.
Mk 16:17,18............At lalakip ang mga tandang ito sa magsisisampalataya: mangagpapalabas sila ng mga demonio sa aking pangalan; mangagsasalita sila ng mga bagong wika; Sila'y magsisihawak ng mga ahas, at kung magsiinom sila ng bagay na makamamatay, sa anomang paraan ay hindi makasasama sa kanila; ipapatong nila ang kanilang mga kamay sa mga may-sakit, at sila'y magsisigaling.
Jas 5:14,15.......... May sakit baga ang sinoman sa inyo? ipatawag niya ang mga matanda sa iglesia; at ipanalangin nila siya, na pahiran nila ng langis sa pangalan ng Panginoon: At ang panalangin ng pananampalataya ay magliligtas sa may sakit, at ibabangon siya ng Panginoon; at kung nagkasala siya, ay ipatatawad sa kaniya.
Jas 5:16...........At ang panalangin ng pananampalataya ay magliligtas sa may sakit, at ibabangon siya ng Panginoon; at kung nagkasala siya, ay ipatatawad sa kaniya.
Mt 8:13............At sinabi ni Jesus..Humayo ka ng iyong lakad; at ayon sa iyong pagsampalataya, ay gayon ang sa iyo'y mangyari. At gumaling ang kaniyang alila sa oras ding yaon.
PANALANGIN PARA SA MGA PANGANGAILANGAN
Mt 6:8............".. talastas ng inyong Ama ang mga bagay na inyong kinakailangan, bago ninyo hingin sa kaniya."
Ps 34:10.........."... Nguni't silang nagsisihanap sa Panginoon ay hindi kukulangin ng anomang mabuting bagay."
Ps 24:1..........."Ang lupa ay sa Panginoon at ang buong narito; ang sanglibutan, at silang nagsisitahan dito...."
Ps 50:10..........".. Sapagka't bawa't hayop sa gubat ay akin, at ang hayop sa libong burol..."
Gen 18:14........."Mayroon bang napakirap sa ating Panginoon?"
Mt 7:7............"Magsihingi kayo, at kayo'y bibigyan; magsihanap kayo, at kayo'y mangakasusumpong; magsituktok kayo, at kayo'y bubuksan."
Rom 8:32.........."Siya, na hindi ipinagkait ang kaniyang sariling anak kundi ibinigay dahil sa ating lahat, bakit hindi naman ibibigay sa atin ng walang bayad ang lahat ng mga bagay?"
Ps 37:5..........."Ihabilin mo ang iyong lakad sa Panginoon; tumiwala ka rin naman sa kaniya, at kaniyang papangyayarihin.."
Luke 6:38........."Mangagbigay kayo, at kayo'y bibigyan; takal na mabuti, pikpik, liglig, at umaapaw, ay ibibigay nila sa inyong kandungan. Sapagka't sa panukat na inyong isukat ay doon kayo muling susukatin."
Eph 3:20.........."...Ngayon sa makapangyarihang Diyos na gumawa ng lubhang sagana ng higit sa lahat ng ating hinihingi o iniisip, ayon sa kapangyarihang gumagawa sa atin,.."
Phil 4:19........." At pupunan ng aking Dios ang bawa't kailangan ninyo ayon sa kaniyang mga kayamanan sa kaluwalhatian kay Cristo Jesus."
2Pet 1:3.........."Yamang ipinagkaloob sa atin ng kaniyang banal na kapangyarihan ang lahat ng mga bagay na nauukol sa kabuhayan at sa kabanalan, sa pamamagitan ng pagkakilala sa kaniya na tumawag sa atin sa pamamagitan ng kaniyang sariling kaluwalhatian at kagalingan;
Jer 33:3............. Tumawag ka sa akin, at ako'y sasagot sa iyo, at ako'y magpapakita sa iyo ng mga dakilang bagay, at mahihirap na hindi mo nalalaman.
Jer 32:27.........Narito, ako ang Panginoon, ang Dios ng lahat na tao; may anomang bagay baga na totoong mahirap sa akin?
Mt 11:28.........."Magsiparito sa akin, kayong lahat na nangapapagal at nangabibigatang lubha, at kayo'y aking papagpapahingahin."
Heb 13:5..........Sinabi mismo ng Panginoon, Hindi kita iiwanan at hindi kita pababayaan.."
Phil 4:6.........." Huwag kayong mangabalisa sa anomang bagay; kundi sa lahat ng mga bagay sa pamamagitan ng panalangin at daing na may pagpapasalamat ay ipakilala ninyo ang inyong mga kahilingan sa Dios..."
2Cor 9:10........."... At ang nagbibigay ng binhi sa naghahasik at ng tinapay na pinakapagkain, ay magbibigay at magpaparami ng inyong binhi upang ihasik, at magdaragdag ng mga bunga ng inyong katuwiran..."
Ps. 20:4.........."... Pagkalooban ka nawa ng nais ng iyong puso, at tuparin ang lahat ng iyong layunin."
Eph 1:3..........."Purihin nawa ang Dios at Ama ng ating Panginoong Jesucristo, na siyang nagpala sa atin ng bawa't pagpapalang ukol sa espiritu sa sangkalangitan kay Cristo..."
PANALANGIN PARA MAGBIGAY NG LAKAS AT PAG-ASA
1Sam 12:16...... "..Ngayon nga'y tumahimik kayo at tingnan ninyo itong dakilang bagay na gagawin ng Panginoon sa harap ng inyong mga mata.."
Luke 18:27....... Ang mga bagay na imposible sa tao ay posible sa Diyos.
Num 23:19....... "Ang Diyos ay hindi tao, na siya ay magsisinungaling. Kung sinabi Niya, hindi ba niya ito tutuparin?
Jas 1:4............ "At inyong pabayaan na ang pagtitiis ay magkaroon ng sakdal na gawa, upang kayo'y maging sakdal at ganap, na walang anoman kakulangan.
Rom 8:31......... "Kung ang Dios ay kakampi natin, sino ang laban sa atin?
2Tim 2:1.......... "..magpalakas ka sa grasya na nasa Panginoong Jesukristo"
2Tim 1:13........ "Hawakan mo ang mga tamang salita..sa pananampalataya at pag-ibig. ..
Col 3:2............ "Itakda mo ang iyong isip sa lahat ng bagay na nasa itaas, at hindi ang mga bagay dito sa lupa"
Col 3:23.......... "Lahat ng iyong gagawin, gawin mo iyon na kalugod-lugod, para sa Panginoon at hindi para sa tao. ...
Mark 9:23........ "Kung ikaw ay mananalig, lahat ng bagay ay posible sa taong naniniwala.
Josh 1:9............ "Magpalakas ka at maging matapang, huwag kang matakot, at huwag kang mawalan ng pag-asa , dahil ang Panginoon na iyong Diyos ay kasama mo saan ka man pumunta."
1Chr 22:18........ "At hindi ka ba Niya binigayan ng katahimikan sa lahat ng iyong paligid?"
2Chr 20:17........ "Hindi ikaw ang lalaban sa labanan na ito. Posisyon mo ang inyong sarili, at tumahimik at masdan ang kaligtasan ng Panginoon, na nasa tabi mo,..."
John 16:33......... "Ang mga bagay na ito ay sinalita ko sa inyo, upang kayo'y magkaroon sa akin ng kapayapaan. Sa sanglibutan ay mayroon kayong kapighatian: nguni't laksan ninyo ang loob; aking dinaig ang sanglibutan."
Rom 8:18............ ".Sapagka't napatutunayan ko na ang pagtitiis sa panahong ito'y hindi karapatdapat maitumbas sa kaluwalhatiang mahahayag sa atin..."
Rom 8:37............ "Hindi, kundi sa lahat ng mga bagay na ito tayo'y higit pa sa mga mapagtagumpay sa pamamagitan niyang sa atin ay umibig.Sapagka't ako'y naniniwalang lubos, na kahit ang kamatayan man, kahit ang buhay, kahit ang mga anghel, kahit ang mga pamunuan, kahit ang mga bagay na kasalukuyan, kahit ang mga bagay na darating, kahit ang mga kapangyarihan, Kahit ang kataasan, kahit ang kababaan, kahit ang alin mang ibang nilalang, ay hindi makapaghihiwalay sa atin sa pagibig ng Dios, na nasa kay Cristo Jesus na Panginoon natin.."
Rom 8:28............ "At nalalaman natin na ang lahat ng mga bagay ay nagkakalakip na gumagawa sa ikabubuti ng mga nagsisiibig sa Dios, sa makatuwid baga'y niyaong mga tinawag alinsunod sa kaniyang nasa.."
2Tim 4:5.............. "Nguni't ikaw ay magpigil sa lahat ng mga bagay, magtiis ka ng mga kahirapan, gawin mo ang gawa ng evangelista, ganapin mo ang iyong ministerio.
2Tim 4:7.............. "Nakipagbaka ako ng mabuting pakikipagbaka, natapos ko na ang aking takbo, iningatan ko ang pananampalataya."
Mic 7:8................. " Huwag kang magalak laban sa akin, Oh aking kaaway: pagka ako'y nabuwal, ako'y babangon; pagka ako'y naupo sa kadiliman, ang Panginoo'y magiging ilaw sa akin.
Phil 4:13................"Lahat ng mga bagay ay aking magagawa sa pamamagitan ni Jesukristo na nagpapalakas sa akin."
1Jn 4:4................. "Kayo'y sa Dios, mumunti kong mga anak, at inyong dinaig sila: sapagka't lalong dakila siyang nasa inyo kay sa nasa sanglibutan."
Phil 1:6................. "Na ako'y may lubos na pagkakatiwala sa bagay na ito, na ang nagpasimula sa inyo ng mabuting gawa, ay lulubusin hanggang sa araw ni Jesucristo."
Phil 4:4.................. "Mangagalak kayong lagi sa Panginoon: muli kong sasabihin, Mangagalak kayo!"
PANALANGIN PARA SA GOBYERNO
1Tim 2:1............Panginoong Ama, salamat po sa aming gobyerno.
1 Tim 2:2...........Pinapanalangin namin ang lahat ng lalaki at babae na may katungkulan sa amin.
Prov. 1:23..........Ibuhos mo po ang iyong Espiritu Santo sa kanila at ipaalam mo sa kanila ang iyong mga Salita.
Ps 25:21...........Tulungan mo silang maging matapat at sumunod sa katuwiran.
1 Tim 2:2.............upang kami'y mamuhay ng tahimik at payapa na may kabanalan at katotohanan
Prov. 2:10.......... Papasukin ninyo sa kanilang puso ang karunungan at kaalaman na magbibigay ligaya sa kanilang kaluluwa
Prov. 2:11..........Kabaitan ay magbabantay sa iyo, pagkaunawa ay magiingat sa iyo:
Prov. 2:12..........Upang iligtas ka sa daan ng kasamaan, sa mga taong nagsisipagsalita ng mga masamang bagay;
Psalm 1:1..........Ipahintulot ninyo Panginoon na ang kanilang puso at mga tenga ay makining sa tuwid na payo ninyo.
2Chr 20:32.........ginagawa ang tama sa iyong mga mata.
Prov. 2:21..........Sapagka't ang matuwid ay tatahan sa lupain, at ang sakdal ay mamamalagi roon.
Heb 12:27.........At yanigin mo Panginoon ang lahat ng bagay, gaya ng mga bagay na ginawa, upang mamalagi ang mga hindi nayanig
Prov. 2:21..........Maaring ang mga matuwid ay manahan sa iyo,
Prov. 2:22..........Nguni't ang masama ay mahihiwalay sa lupain, at silang nagsisigawang may karayaan ay mangabubunot.
1Cor 4:5............Bigyan mo ng liwanag ang mga nakatago sa kadiliman.
1Cor 4:5............at ilabas mo ang mga sekretong layunin ng aming mga puso.
Rev 2:5............Nawa'y maalala ng bayan na ito kung saan sila natumba
Rev 2:5............at magsisi at bumalik sa unang gawain nila
1Chr 22:19........na itakda ang kanilang mga puso at kaluluwa sa pagsunod sa Panginoon,
2Chr 7:14..........mapagkumbaba, madasalin, at lumalayo sa lahat ng gawang masasama.
2Chr 7:14..........At pakinggan mo sila, O Panginoon, at patawarin mo ang kanilang mga kasalanan at pagalingin mo ang aming lupa.
Acts 26:18........Buksan mo ang kanilang mga mata at hanguin mo sila mula kadiliman tungo sa liwanag.
Heb 3:13...........Palambutin mo ang kanilang mga tigang na puso sa mga na nilinglang ng mga kasalanan.
Ps 107:20..........Iligtas mo sila sa lahat ng kapahamakan.
2Pet 3:9............Panginoong Ama, hindi mo mapagpaliban ang tungkol sa iyong pangako, na gaya ng pagpapalibang ipinalalagay ng iba; kundi mapagpahinuhod ka sa amin, na hindi mo ibig na sinoman ay mapahamak, kundi ang lahat ay magsipagsisi.
Isa 49:22...........Ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Narito, aking ikakaway ang aking kamay sa mga bansa, at itatayo ko ang aking watawat sa mga bayan;
Zech 10:1..........Ikusa mo ang ulan ng Iyong Espiritu na bumaha sa aming lupa
Hab 3:2.............at buhayin mo ang Iyong mga gawa sa aming kapaligiran.
Isa 59:16...........At magtaguyod ka ng mga taong magiging tagapamagitan sa Inyo at sa amin ng magdadasal
2Cor 10:4..........upang bumagsak at matanggal ang lahat ng mga malalakas na tanggulan sa aming lupain.
Isa 40:5............At ang kaluwalhatian ng Panginoon ay mahahayag
PANALANGIN PARA SA MGA BANSA
Ang lahat ng mga bansa sa buong mundo ar kasama sa panalangin dito. Maaari mo ring ipagdasal and iyong bansa lamang tulad ng.." ang bansang ________ (Pilipinas) ."
Joel 3:12...........Gisingin mo ang mga bansa!
Isa 1:2..............Dinggin mo at pakinggan mo, Oh lupa, sapagka't sinalita ng Panginoon:
Ps 9:20............ Ilagay mo sila sa katakutan Oh, Panginoon: ipakilala mo sa mga bansa na sila'y mga tao lamang.
Rom 8:22..........Panginoon, ang buong nilalang ay humihibik at nagdaramdam na may kahirapan
Rom 8:21..........para maging malaya mula sa pagkaalipin ng kabulukan sa kalayaang maluwalhati ng mga anak ng Dios.
Jn 15:26...........Pagparito ng Tagapayo, na aking susuguin sa inyo mula sa Ama, siya ang Espiritu ng katotohanan na nagbubuhat sa Ama, ang siyang magpapatotoo sa akin:
Jn 16:8.............At siya, pagparito niya, ay kaniyang susumbatan ang sanglibutan tungkol sa kasalanan, at sa katuwiran, at sa paghatol
Eze 14:6..........Tulutan mo silang magsisi at tumalikod sa lahat ng kanilang diyos-diyosan.
Hag 2:7............Yanigin mo ang lahat ng bansa, upang sila ay magpunta sa Pagnanasa ng Lahat ng Bansa (Jesus).
Num 23:24........Panginoong Ama, itulot mo na ang iyong tao ay bumangon.
Joel 3:11..........Mangagmadali kayo, at magsiparito kayong lahat na bansa sa palibot, at magpipisan kayo: iyong pababain doon ang iyong mga makapangyarihan, Oh Panginoon.
Joel 3:14..........Mga karamihan, mga karamihan sa libis ng pasiya! sapagka't ang kaarawan ng Panginoon ay malapit na sa libis ng pasiya.
Jer 49:14..........Magpadala ka ng Iyong Sugo sa lahat ng mga bansa.
Col. 4:3............Buksan mo sa kanila ang pintuan ng inyong Salita, upang sila ay magsalita ng mga misteryo ni Cristo.
Mt 24:14...........At ipangangaral ang evangeliong ito ng kaharian sa buong sanglibutan sa pagpapatotoo sa lahat ng mga bansa; at kung magkagayo'y darating ang wakas.
Ps 111:6..........Kaniyang ipinakilala sa kaniyang bayan ang kapangyarihan ng kaniyang mga gawa, sa pagbibigay niya sa kanila ng mana ng mga bansa.
Phil 2:10...........Upang sa pangalan ni Jesus ay iluhod ang lahat ng tuhod, ng mg nasa langit, at ng mga nasa ibabaw ng lupa, at ng nasa ilalim ng lupa!
Isa 61:11...........Sapagka't kung paanong ang lupa'y nagsisibol ng pananim, at kung paanong ang halamanan ay nagsisibol ng mga bagay na natanim sa kaniya; gayon pasisibulin ng Panginoong Dios ang katuwiran at kapurihan sa harap ng lahat na bansa.
Hab 2:14..........Sapagka't ang lupa ay mapupuno ng kaalaman ng kaluwalhatian ng Panginoon, gaya ng pagtakip ng tubig sa dagat.
Isa 43:9.............Panginoong Ama, ipulong mo ang mga bansa
Ps 22:27............upang Ikaw ay bigyan ng papuri
Ps 46:10............at ipagsaya ka sa buong daigdig,
Gal 3:8...............At sapagka't ipinakita na ng kasulatan, na aariing-ganap ng Dios ang mga Gentil sa pamamagitan ng pananampalataya, ay ipinangaral na nang una ang evangelio kay Abraham, na sinasabi, Sa iyo ay pagpapalain ang lahat ng mga bansa.
Zech 14:14.........at lahat ng kayamanan ng kalangitan ay maipagsama
2Kin 22:5...........at maibigay sa mga kamay ng iyong tagasunod para sa gawa ng Panginoon.
Isa. 49:6............Ipadala mo ang iyong Kaligtasan hanggang sa dulo ng daigdig
Mk 12:36...........at gawin mo ang iyong mga kaaway ng tuntungan ng iyong mga paa.
PANALANGIN SA SIMBAHAN NG PANGINOON (O SA LAHAT NG NANANALIG)
1Pet 5:6...........Panginoong Ama, kami'y nangagpakababa sa ilalim ng makapangyarihang kamay mo, upang kami'y iyong itaas sa kapanahunan;
1Jn 1:9.............Kung ipinahahayag natin ang ating mga kasalanan, ay tapat at banal siya na tayo'y patatawarin sa ating mga kasalanan, at tayo'y lilinisin sa lahat ng kalikuan.
Heb 10:22.........Tayo'y magsilapit na may tapat na puso sa lubos na pananampalataya, na ang ating mga puso na winisikan mula sa isang masamang budhi: at mahugasan ang ating katawan ng dalisay na tubig
Col 3:16............Manahanan nawang sagana sa inyo ang salita ni Cristo; ayon sa buong karunungan, kayo'y mangagturuan at mangagpaalalahanan sa isa't isa sa pamamagitan ng mga salmo at ng mga himno at mga awit na ukol sa espiritu, na magsiawit kayong may biyaya sa inyong puso sa Dios.
Col 1:9..............Dahil dito'y kami naman, mula nang araw na aming marinig ito, ay hindi kami nagsisitigil ng pananalangin at ng paghingi na patungkol sa inyo, upang kayo'y puspusin ng kaalaman ng kaniyang kalooban, sa buong karunungan at pagkaunawa ayon sa espiritu, Upang kayo'y magsilakad ng nararapat sa Panginoon, sa buong ikalulugod niya, at magsipamunga sa bawa't gawang mabuti, at magsilago sa kaalaman ng Dios
Eph 4:23...........At kayo'y mangagbago sa espiritu ng inyong pagiisip
Col 3:12............Mangagbihis nga kayo gaya ng mga hinirang ng Dios, na mga banal at minamahal, ng isang pusong mahabagin, ng kagandahangloob, ng kababaan, ng kaamuan, ng pagpapahinuhod
Eph 4:13...........Hanggang sa abutin nating lahat ang pagkakaisa ng pananampalataya, at ang pagkakilala sa Anak ng Dios, hanggang sa lubos na paglaki ng tao, hanggang sa sukat ng pangangatawan ng kapuspusan ni Cristo:
1Thes 5:12,13........Datapuwa't ipinamamanhik namin sa inyo, mga kapatid, na inyong kilalanin ang nangagpapagal sa inyo, at nangamumuno sa inyo sa Panginoon, at nangagpapaalaala sa inyo; At inyong lubos na pakamahalin sila sa pagibig, dahil sa kanilang gawa. Magkaroon kayo-kayo ng kapayapaan.
1Cor 1:10..........Ngayo'y ipinamamanhik ko sa inyo, mga kapatid, sa pamamagitan ng pangalan ng ating Panginoong Jesucristo, na kayong lahat ay mangagsalita ng isa lamang bagay, at huwag mangagkaroon sa inyo ng mga pagkakabahabahagi; kundi kayo'y mangalubos sa isa lamang pagiisip at isa lamang paghatol.
Phil 1:27........... Ang inyo lamang pamumuhay ay maging karapatdapat sa evangelio ni Cristo: upang, maging ako ay dumating at kayo'y makita, o wala man sa harap ninyo, ay mabalitaan ko ang inyong kalagayan, na kayo'y matitibay sa isang espiritu, na kayo'y mangagkaisa ng kaluluwa na nangagsisikap sa pananampalataya sa evangelio;standing fast in one spirit, striving together for the faith.
Heb 13:9...........Huwag nga kayong padala sa mga turong sarisari at di kilala: sapagka't mabuti na ang puso ay patibayin sa pamamagitan ng biyaya; hindi sa pamamagitan ng mga pagkain, na di pinakikinabangan ng mga nagabala sa kanila.
2Tim 2:15..........Pagsikapan mong humarap na subok sa Dios, manggagawang walang anomang ikahihiya, na gumagamit na matuwid ng salita ng katotohanan.
Jude 1:16..........Ang mga ito'y mga mapagbulong, mga madaingin, na nangagsisilakad ayon sa kanilang masasamang pita (at ang kanilang bibig ay nangagsasalita ng mga kapalaluan), nangagpapakita ng galang sa mga tao dahil sa pakikinabangin.
1Tim 6:18.......... Na sila'y magsigawa ng mabuti, na sila'y magsiyaman sa mabuting gawa, na sila'y maging handa sa pamimigay, maibigin sa pamamahagi;
Eph 4:16...........Na dahil sa kaniya'y ang buong katawan na nakalapat na mabuti at nagkakalakip sa pamamagitan ng tulong ng bawa't kasukasuan, ayon sa paggawang nauukol sa bawa't iba't ibang sangkap, ay nagpapalaki sa katawan sa ikatitibay ng kaniyang sarili sa pagibig.
1Pet 4:10..........Na ayon sa kaloob na tinanggap ng bawa't isa, ay ipaglingkod sa inyo-inyo rin, na gaya ng mabubuting katiwala ng masaganang biyaya ng Dios;
1Pet 1:22..........Yamang nilinis ninyo ang mga kaluluwa sa inyong pagtalima sa katotohanan, sa pagibig na hindi pakunwari sa mga kapatid, ay mangagibigan kayo ng buong ningas ng inyong puso sa isa't isaPhil2:4 ...........Huwag tingnan ng bawa't isa sa inyo ang sa kaniyang sarili, kundi ang bawa't isa naman ay sa iba't iba.
2Jn 1:8.............para hindi mawala ang mga bagay na ating ipinagtrabaho.
1Pet 4:7............Nguni't ang wakas ng lahat ng mga bagay ay malapit na: kayo nga'y mangagpakahinahon, at mangagpuyat sa pananalangin
Eph 5:16..........Na inyong samantalahin ang panahon, sapagka't ang mga araw ay masasama.
Heb 12:1...........Kaya't yamang nakukubkob tayo ng makapal na bilang ng mga saksi, itabi namang walang liwag ang bawa't pasan, at ang pagkakasalang pumipigil sa atin, at ating takbuhing may pagtitiis ang takbuhing inilagay sa harapan natin,Col 3:2.............Ilagak ninyo ang inyong pagiisip sa mga bagay na nangasa itaas, huwag sa mga bagay na nangasa ibabaw ng lupa.
Phil 3:14...........Nagtutumulin ako sa hangganan sa ganting-pala ng dakilang pagtawag ng Dios na kay Cristo Jesus.
Eph 6:11...........Mangagbihis kayo ng buong kagayakan ng Dios, upang kayo'y magsitibay laban sa mga lalang ng diablo.
Acts 4:29,30.........At ngayon, Panginoon, tingnan mo ang kanilang mga bala: at ipagkaloob mo sa iyong mga alipin na salitain ang iyong salita ng buong katapangan, Samantalang iyong iniuunat ang iyong kamay upang magpagaling; at upang mangyari nawa ang mga tanda at mga kababalaghan sa pangalan ng iyong banal na si Jesus.
PANALANGIN PARA SA KALIGTASAN
Alam mo ba...
Dasalin mo ito ng malakas:
Panginoong Ama sa Kaluwalhatian, sa pangalan ni Hesus, nagsisisi ako sa lahat ng aking kasalanan at binubuksan ko ang aking puso para makapasok si Hesus sa aking loob. Hesus, Ikaw ang aking Panginoon at taga-Saklolo. Naniniwala ako na namatay ka para sa aking mga kasalanan at ikaw ay nabuhay na mag-uli. Buhusan mo ako ng iyong Espiritu Santo. Salamat Panginoong Ama sa pagligtas mo akin. Sa pangalan ni Hesus. Amen.

- MAHAL KA NG DIYOS
- KASALANAN ANG NAGHIHIWALAY SA TAO AT SA KANYANG DIYOS
- NAMATAY SI HESUS PARA SA IYONG KASALANAN
- MAAARI MONG TANGGAPIN NGAYON MISMO SI HESUS AT MALASAP ANG PAGMAMAHAL NG PANGINOON