Mahal na Panalanging Mandirigma,
OO! Kayong lahat ay mandirigma na papasok sa harap ng labanan. Ikaw ay magiging target kaya importante na isuot and buong armas ng Panginoon sa Eph 6. Isang bagay ang pinaalala sa akin ng Panginoon na maaaring gamitin sa iyo ng Kaaway! Ang kasinungalingan na hindi mabisa and iyong dasal dahil hindi ka taong matuwid. Jaime 5:16 Mangagpahayagan nga kayo sa isa't isa ng inyong mga kasalanan, at ipanalangin ng isa't isa ang iba, upang kayo'y magsigaling. Malaki ang nagagawa ng maningas na panalangin ng taong matuwid. Maaaring ipalala niya sa iyo ang kasalanan na nagawa mo bago ka o habang ikaw ay magumpisang magdasal. Dapat mong malaman na ang bisa ng dasal ay batay hindi sa taong matuwid kung hindi sa Diyos na matuwid. And unang parte ng birsikulo nito ay ang pagpapahayag ng ating kasalanan. Ito and susi ng pagiging matuwid. Kung tinanggap na natin sa ating puso si Jeukristo bilang ating tagapaglistas at nagsisi tayo sa ating mga kasalanan, ang ating kasalanan ay kinuha ni Jesus at pinako sa krus. Bakit? Para tayo ay maging Katuwiran ng Diyos. 2 Cor 5:21 Yaong hindi nakakilala ng kasalanan ay kaniyang inaring may sala dahil sa atin: upang tayo'y maging sa kaniya'y katuwiran ng Dios.
Tayo ay Katuwiran ng Diyos Ikaw ay Katuwiran ng Diyos! Pumunta ka sa harap ng trono ng Diyos na may paniniwala na ang dasal mo ay mabisa dahil ikaw ang Katuwiran ng Diyos.
Ngayon tignan natin ang pangalawang magbibigay sa iyo ng tiwala na may bisa ang iyong dasal: Dasalin ang Salita ng Diyos.1 Juan 5: 14,15 Mayroon tayong katiyakan sa pagharap sa kaniya. Ito ang kapanatagan na sa tuwing humihingi tayo ng anumang bagay na ayon sa kaniyang kalooban, dinirinig niya ito. 15Yamang alam nating dinirinig niya tayo sa anumang hingin natin, alam din nating natatamo natin ang mga kahilingan na hiningi sa kaniya. Ito ang isa sa mga paborito kong pangako sa Biblia.Ang salita ng Diyos ay mabisa. Kung iyon ang ating dadasalin, makakasiguro tayo na ito ang kalooban ng Diyos. Tulad ng kung magdadasal tayo para sa kaligtasan ng ating mga mahal sa buhay. Ayon sa 2 Pedro 3:9 3:9 Hindi mapagpaliban ang Panginoon tungkol sa kaniyang pangako, na gaya ng pagpapalibang ipinalalagay ng iba; kundi mapagpahinuhod sa inyo, na hindi niya ibig na sinoman ay mapahamak, kundi ang lahat ay magsipagsisi.
Alam natin na ayon ito sa kalooban ng Diyos dahil sa kanyang salita. Alam natin na dininig niya ito. Kaya dasalin ninyo ang Salita ng Diyos.
Jer 1:12 Nang magkagayo'y sinabi ng Panginoon sa akin, Iyong nakitang mabuti: sapagka't aking iniingatan ang aking salita upang isagawa.
Kagabi, dinasal ko ang Salita ng Diyos tungkol sa aking mga Anak. Lugod ang aking pasasalamat dahil alam ko na lahat ng bagay na nakasulat doon ay mangyayari dahil iyon and salita ng Diyos! Salamat sa Diyos!Ngayong alam mo na ang dalawang bagay na napagpapatunay na mabisa ang iyong dasal, mayroon pang pangatlo ayon sa Matt 18:19 Muling sinasabi ko sa inyo, na kung pagkasunduan ng dalawa sa inyo sa lupa ang nauukol sa anomang bagay na kanilang hihingin, ay gagawin sa kanila ng aking Ama na nasa langit.Kung dalawa ay magkakasundo. Dahil sa nagdadasal tayong lahat mula sa isang listahan at nagkakasundo sa ating panalangin, alam natin na dininig ng Panginoon ang ating dasal bilang isang grupo.
Ngayong alam mo na na mabisa ang iyong mga panalangin, umpisahan mo ang ating 30-araw na pagdadasal na may tiwala na ikaw ay naririnig ng Panginoon at tinutugon niya.
Tulutan mo akong ipagdadal kayo sa Salita ng Diyos
Mahal na Panginoon, Salamat sa mga mandirigma mo na naglakas ng loob na mangakong manalangin ng 30 araw para sa mga pangangailangan ng isa't isa at para sa pagbabagong buhay ng kanilang puso, pamilya, bayan at bansa. Salamat at ikaw ang magpapaningas ng kanilawang ilawan; liliwanagan mo Panginoon kong Dios ang kanilang kadiliman. Tungkol sa Dios ang kanilang lakad ay sakdal: ang salita ng Panginoon ay subok; siya'y kalasag ng lahat na nanganganlong sa kaniya, Sapagka't sino ang Dios, liban sa Panginoon? At sino ang malaking bato maliban sa iyo Dios? Ikaw Dios ang nagbibigkis sa kanila ng kalakasan, at nagpapasakdal sa kanilang lakad. Ikaw ang gumawa nang kanilang mga paa na gaya ng mga paa ng mga usa: at inilalagay mo sila sa mga mataas na dako. Ibinigay mo sa kanila ang kalasag na iyong pangligtas: at inalalayan sila ng iyong kanan, at pinadakila sila ng iyong kahinahunan. Iyong pinalaki ang kanilang mga hakbang sa ilalim nila, at ang kanilang mga paa ay hindi nangadulas.
.(Psalms 18:26-32) Salamat Panginoon! At nawa ay iiwas mo sila sa mga bagay na kinamumuhi mo: ang Mga palalong mata, sinungaling na dila, at mga kamay na nagbububo ng walang salang dugo; Puso na kumakatha ng mga masamang akala, mga paa na matulin sa pagtakbo sa kasamaan; Sinungaling na saksi na nagsasalita ng kabulaanan, at ang naghahasik ng pagtatalo sa gitna ng magkakapatid(Prov 6:16-19) Tulungan mo silang isuot ang pagpapakumbaba dahil ang grasya ninyo ay nasa kanila. Tulungan mo silang maging mapagpigil, maging mapagpuyat; ang kanilang kalaban na diablo, na gaya ng leong umuungal, ay gumagala na humahanap ng masisila niya At ikaw aming Dios ng buong biyaya na sa kanilay tumawag sa kaniyang walang hanggang kaluwalhatian kay Cristo, pagkatapos na sila'y makapagbatang sangdaling panahon, ay Ikaw rin ang magpapasakdal, magpapatibay, at magpapalakas sa kanila.
Sumasainyo nawa ang paghahari magpakailan man. Siya nawa.!
.Alam ko ng maraming dakilang bagay ang ibibigay ng Panginoon sa atin sa 30 araw ng pagnanangis sa Kanya. Pakisabi sa amin ang mga magagandang balita. Gamitin ninyo po ang "SUBMIT PRAISE FORM' para ipadala sa amin ang mga tugon ng Panginoon sa ating Panalangin. Maaari pa rin pong magpadala ng mga kahilingang dasal dito rin po.
Nagmamahal sa Inyo,
Para sa Kanyang Kahariaan at Kapurihan..
Linabelle