Binigyan ako ng Mahal na Panginoon nang tatak sa puso ko na mag-umpisa ng 30 Araw at 24 Oras na tuluyang panalangin para sa kaligatasan ng ating mga mahal sa buhay, para sa Espiritu ng Panginoon na magbigay lakas sa atin na mamuhay batay sa Salita ng Panginoon, para sa Baptismo ng Espiritu Santo, para sa kalayaan mula sa ano mang klase ng pagkagamon o sa mga kasalanan na mabilis magbalikan at para sa pagbabagong buhay sa bawat isa sa atin na buong pusong mahalin ang Panginoong HesuKristo, para umapaw sa pagbabagong buhay ng ating pamilya, ng ating kabayanan, ng ating bansa, ng ating mundo, at para sa anumang personal na panalangin ng bawat isa sa atin.
Kung mayroon kang kilala na kapatid sa Diyos na gustong sumama sa atin na manalangin, pakibigay na lang sa kanila ang website na ito. (PAPURI.weebly.com). Salamat po!
Sa mga gustong sumali sa atin, pakipili na lang po ng oras na sa palagay ninyo ay makakapagdasal po kayo (Maaaring bago kayo matulog, o sa paggising, o habang namamasahe, o naglalaba, at iba pa) araw araw sa loob ng isang buwan mula ika-tres ng Pebrero hanggang ika-sinko ng Marso. Pumunta po kayo sa 24-Hour Prayer Schedule sa website na ito. Mayroon po ritong listahan ng mga taong sumali na at nangakong magdasal sa oras na inilaan nila. Mayroon din po ritong listahan ng pagsasalin ng oras mula USA at sa Pilipinas, Australia, Saudi Arabia, Dubai at DjBouti . Ang oras na pipiliin ninyo ay batay sa oras sa Amerika (Central Time MO) dahil taga Missouri po ako. Kaya kung gusto niyo pong magdasal ng alas ocho ng gabi sa Pilipinas, alas sais po ng umaga dito sa USA/MO. Kaya ililista ko po kayo sa alas sais ng umaga. Sa ganitong paraan natin masisigurado na may magdadasal kada oras sa isang buwan. Kapag nakapili na kayo ng oras, pakipunta po uli dito sa BLOGsite at magbigay po kayo nang COMMENT. Sasabihin niyo po sa akin ang oras ng napili niinyo at kung mayroon din po kayong hiling na personal na panalangin. Kung gusto ninyo po na ako lang ang makaalam ng inyong panalangin, maaari pong pumanta kayo sa CONTACT ME at doon ibigay ninyo po sa akin ang inyong hiling. Pananalitiin ko pong lihim ang inyong panalangin. OK lang po kung mayroon nang nakapili ng oras na gusto ninyong magdasal. Maigi pong marami tayong magdadasal. Sisiguruhin lang po natin na ang lahat ng oras sa isang araw ay mayroong nagdadasal.
Malaki po ang aking paniniwala na ang Panginoong Diyos ay gagawa ng malaki, dakila, at nakakapukaw na mga bagay sa bawat isa sa atin, sa ating pamilya, sa ating bayan, at sa ating bansa. Habang nangugumbaba tayo at nananalig sa kapangyarihan ng ating Panginoon. .
Isa 57:15 .Sapagka't ganito ang sabi ng Mataas at Matayog na tumatahan sa walang hanggan, na ang pangalan ay Banal; Ako'y tumatahan sa mataas at banal na dako na kasama rin niya na may pagsisisi at pagpapakumbabang-loob, upang bumuhay ng loob ng nagpapakumbaba, at upang bumuhay ng puso ng nagsisisi.
2Ch 7:147:14 Kung ang aking bayan na tinatawag sa pamamagitan ng aking pangalan ay magpakumbaba at dumalangin, at hanapin ang aking mukha, at talikuran ang kanilang masamang mga lakad; akin ngang didinggin sa langit, at ipatatawad ko ang kanilang kasalanan, at pagagalingin ko ang kanilang lupain.
Asahan niyo po na may espiritual na labanan ang babalot sa inyo kapag nagdesisyon kayo na sumali sa ating panalangin. Pero maging alisto po kayo at isuot ang buong armas ng Diyos, at manalangin. ( Epe 6:10-18).
Nagmamahal sa inyong lahat... Para sa Kapurihan ng Pnginoong Diyos,
Linabelle
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Epeso) -6:10 Sa katapustapusa'y magpakalakas kayo sa Panginoon, at sa kapangyarihan ng kaniyang kalakasan
6:11 Mangagbihis kayo ng buong kagayakan ng Dios, upang kayo'y magsitibay laban sa mga lalang ng diablo.
6:12 Sapagka't ang ating pakikibaka ay hindi laban sa laman at dugo, kundi laban sa mga pamunuan, laban sa mga kapangyarihan, laban sa mga namamahala ng kadilimang ito sa sanglibutan, laban sa mga ukol sa espiritu ng kasamaan sa mga dakong kaitaasan.
6:13 Dahil dito magsikuha kayo ng buong kagayakan ng Dios, upang kayo'y mangakatagal sa araw na masama, at kung magawa ang lahat, ay magsitibay.
6:14 Magsitibay nga kayo, na ang inyong mga baywang ay may bigkis na katotohanan, na may sakbat na baluti ng katuwiran,
6:15 At ang inyong mga paa ay may panyapak na paghahanda ng evangelio ng kapayapaan;
6:16 Bukod dito ay taglayin ninyo ang kalasag ng pananampalataya, na siyang ipapatay ninyo sa lahat ng nangagniningas na suligi ng masama
6:17 rAt magsikuha rin naman kayo ng turbante ng kaligtasan, at ng tabak ng Espiritu, na siyang salita ng Dios:6:18 Na magsipanalangin kayo sa Espiritu ng lahat ng panalangin at daing sa buong panahon, at mangagpuyat sa buong katiyagaan at daing na patungkol sa lahat ng mga banal,